Friday, July 29, 2011

HoT WeLcome BaCk BondiNg with THE BLENDS

           At about 6:20pm while Im preparing for my night stint at NRC, long-time-no-see friend DINGDONG sent me a message “which surprised me  a little bit because I’m not used receiving a text invitation coming from him’”Gora na meeting ng batch natin sa bluewave later. Join me and Aiko (my part time PR Manager).  A slight smile on my face, hmmm… Two things came in my thoughts..: First:”pwede. So I replied right away na 1AM pa ang out ko, if ever sunod ako kung makapaghihintay sila. :Second: baka napostponed yung batch reunion yesterday July28 because of the storm kaya nagpatawag ulit ng meeting  and I have to catch up. With the last thought, mali pala ako dahil July 28, 2012 pa pala yung supposed to be reunion na nasa isip ko na kahapon. That’s the result of not browsing all the updates sa Batch FB namin hahahaha.
             Goin back to the invitation, well Im a little bit excited to see my long-time-no-see high school circa friends a.k.a. The Blends (according to Aiko). Kaya inalagaan ko ng text si mareng Dawn while im on the “floor”taking calls. Whew, 1AM came…they texted me na hindi daw natuloy ung sa bluewave but they were still together and this time sa Electrical Road na sila having a drinking spree. For me, much better.. so I decided to go there as fast as I could. Sumabay ako kay Cynthia (my officemate until Evangelista, thanks at talagang “literal”na lumilipad ang Bus, Buti na lang hindi siya Dimplestar hahaha) from there nagtaxi na ako goin to Dawn;s Place. Naabutan ko sila sa gate and surprisingly aside from Aiko and Dingdong, Cedric was also there and the halinghing queen of the night Shampu (who is very conscious of my nagmumurang ugat sa noo because of stress hahahaha)… Drinking spree and then decided to change venue after an “anything under the sun topic”’ …highlight  there is the return of our mutual Idol, Ate Guy na personal daw na sasalubungin nila Bubot At Rodel (na parang teka, how bout joining them on Tuesday?)
      On our way to the next stuff was a wish-granted encounter with four hopeful guys. Ahah, Cedric conceded this time, promising just to follow (which I doubt and confirm na di naman na talaga). So it became an advantage to the group because no more “science of elimination”. Dingdong do the honor of directing the two groups especially during blockings to pin point the personal choice of each in every one. The destination a.k.a. “Cindy’s the place to be…”is aiko’s place… Continuation of the drinking spree and the rest is historically private (lol). Thanks to Aiko who offered me the most comfortable private place to me... Thanks also to CHRISTIAN AGUIRRE who matched my sense of taste huh!?
     A nice hot welcome back engagement with the blends in spite of the rain ...... Arrived home at about 6am.....sleepless night.

(written July 30, 2011/ 7:20AM)

Tuesday, July 26, 2011

On Being an OUTSTANDING TEACHER: an anecdotal during the awards night

2003 PLAQUE  of Recognition.(DepEd-Division of Makati City) In recognition and appreciation of his OUTSTANDING PERFORMANCE as a teacher in San Antonio National High School, thereby contributing to the moulding of youth of Makati City into morally upright, educated, disciplined and self-reliant citizens endowed with a deep sense of well-being. Education Week/ Makati Colliseum December 17, 2003

    (from my journal files way back 2003, anecdotal about being an OUTSTANDING TEACHER awardee; a whole-day account of my feelings, emotions from start , during and after the said milestone of my teaching carreer…)

 Shorten period kaya irregular ang klase. Tinapos naming gawin yung costumes naming angel”. Then naglunch kami sa Sampaloc, nagtext yung mga naiwan na nagsisimula na raw ang practice. So medyo na-late kami. Super rehearsals kami until about past 2PM na. Then go na kami sa MAKATI COLISEUM. Si GARY REGASPI ang kasabay ko, lakad kami ng malayo. Nu’ng malapit na saka kami nag-decide na magtraysikel.
     Di muna kami pumasok, akala kasi naming hindi pa dumarating ýung van nila Sir (DR. REYNALDO ESTACIO), eh nandun yung costume ko pati ýung props ni ARLENE ADDUCUL.Yun pala nanduon na sila sa loob kaya pasok agad kami. Bago magsimula, go muna ako sa aking mga MHS FRIENDS, chikahan with WILLAY, LULU, CARLOTA, MAÁM DANAO etcetera.
     Then, start na ng program, presentation ng bawat schools through “CHRISTMAS IN OUR HEARTS”, speeches, pagdating ni VICE MAYOR MERCADO, MAYOR BINAY at JUNJUN BINAY. Then pinatawag na talaga ako sa ibaba, okey na lang daw kung ‘di ako magbihis wearing our blue uniform pero sabi ko, “ok lang may baon ako”. Right there and then,hinubad ko yung polo shirt at sinuot ko yung black turtle neck through the help of MYRA VALENZUELA at GUILLERMO. Medyo slight nanginig ako habang bumababa dahil “emphasize”na ang pagiging outstanding teacher ko. Umupo ako sa 2nd row which is the right place for the high school, tumabi ako kay MAÁM SUSAN SAN ANDRES dahil siya lang ang kakilala ko. Hinawakan ko siya kaagad to congratulate her. I received a text coming from BADETH (4:04PM), I know natatawa sila at natutuwa dahil ako pala yung Outstanding Teacher na nagbibiruan lang kami kaninan sa itaas.Ako yata among the 12 recipients ang alis ng alis sa kinauupuan ko. Balik ako ng balik sa taas. Biro ko nga, äyoko sa baba, parang out of place ako”.
     Performance time! Super hataw, attitude, high level of performance, bigay na bigay, ibuhos lahat, sigaw, exagg, God given talent!Whew!!!Bravo!
     Balik na ulit sa pwesto. I find time lumapit kina MAÁM ASUNCION at MAÁM LOPEZ (my teachers way back elementary days), thanking them, they were really proud of me! Ang sarao ng feelings, teary eyed ako.
    Then the highlights…natitigilan ako, slight kaba, overjoyed. Ako pa pala ang “the last but certainly not the least”. Pinapakiramdaman ko si Sir ESTACIO sa likuran ko. Then tinawag na nga ang pangalan ko. One of the big applause with matching tambourine from my SANHS family. Sabay kaming naglalakad ni SiR going to the stage, medyo may kahabaan ang nilalakad naming. Di ako makapagsalita, si SiR pa ang nag-break ng silence. I remember him telling me na “hindi ka na naming ginawan ng bulaklak ha”.
    Sa stage, salubong si SiR LAMBERT with his instruction na forward kagad ako sa center stage kung saan nandoon si MAÁM RUIZ. She was the one who gave the award telling me na paulit-ulit “Balita ko, magaling ka raw bata…congratulations ha!”’Di na ako nakapagsalita….Then harap ako kay DR.ESTACIO for the shake hands but what I did, instead of shaking his hands, niyakap ko siya ng buong higpit at humagulgol ako ng iyak sa balikat niya. I’ll heard him saying, “You deserved it!” Medyo may katagalan ang yakap na ýun at willing akong ma-prolong, narinig ko nga lang yung instructions na picture-taking na. That moment produced a big round applause. E=While having a pose, iyak pa rin ako ng iyak. Nu’ng papunta na ako sa likod to join the other awardees, kumaway pa ako sa audience/crowd ala Miss-U, eksena ulit. Whew!!
     Then balik sa pwesto , pagkabalik ko, sigawan ulit ang SANHS family na medyo hindi ko na-notice, Pag tayo ko, tinawag ako ni MAÄM MIRAS, lumapit talaga ako sa kanya at inabot ng yakap with matching iyak ulit. Then go na sa taas.
    Marami pa ring bumati!Nakakapanliit, nakakailang, parang gusto kong sabihin, “tama na po!” That night nanalo rin ang performance naming na third place sa over-all at 1st place sa high school division.

Thank you Lord!

(written last December 23, 2003/3:23PM)

Quiz: AnYoNg LuPa at AnYoNg TuBiG

try to leave your name at "post a comment"when you happen to browse this blog please...

_______________ 1. Isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba  ng lupa, patag at pantay ang lupa dito. Maaaring itong taniman ng mga palay, mais at gulay.
_________________ 2. isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa burol.
_______________  3.  isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig.
_______________  4. higit na mas mababa ito kaysa bundok.
_______________  5. isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
_______________ 6. patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa rito. Malamig at mahangin sa lugar na ito.
_______________ 7. isang pahaba at naka-usling anyong lupang na halos napalilibutan ng tubig.
_______________8. bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat
_______________9. matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
_______________ 10. mga lupain na napalilibutan ng tubig.
_______________ 11. ang pinakamalaking anyong tubig. 
_______________ 12. malaking anyong tubig, ngunit mas maliit sa karagatan 
_______________ 13. isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol. 
_______________ 14. isang anyong tubig na naliligiran ng lupa. 
_______________ 15. malaking bahagi ng katubigang papasok sa kalupaan. 
_______________ 16. tubig na nagmula sa ilalim ng lupa. 
_______________ 17. makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. 
_______________ 18. matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa 
_______________ 19. ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos. 
_______________ 20. anyong tubig na dumadaloy. 
_______________ 21. isang bahagi ng lupa kung saan ito ay mabuhangin at meron ding mabato. Kadalasang matatagpuan ito sa mga bansang may maiinit na klima tulad ng mga bansa sa Gitnang silangan. Walang permanenteng mga bahagi ng tubig, hindi dinadalaw ng ulan at hindi karaniwang tinataniman.
_______________ 22. Tinatawag ding kapuluan; isang uri ng anyong lupa na binubuo ng mga isla.
_______________ 23. isang lugar sa disyerto na nagtataglay ng matabang lupa at tubig na maaaring makabuhay ng mga halaman at hayop
_______________ 24. makitid na lupa na nagdurugtong sa dalawang malalaking masa ng lupa
_______________ 25. ang pinaka malaki at malawak na uri ng anyong lupa. Ito ay binubuo ng iba't ibang bansa na kadalasan ay naisusukat o naitatangi dahil sa kultura tradisyon nito. 


Saturday, July 23, 2011

MGa REhiyon ng PILipinas-Quiz number 4

                                      Pamagat:  Mga Rehiyon ng Pilipinas
PANUTO: Isulat sa patlang kung anong rehiyon ang tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag.

__________  1. Ang pinakamaunlad na rehiyon ng Pilipinas.
__________ 2. Apat na lamang ang natitirang lalawigan sa pitong orihinal na mga  
                            lalawigang bumubuo sa rehiyong ito.
__________ 3. Rehiyong tinatawag na “Kamalig ng palay ng Pilipinas”.
__________ 4. Rehiyong sentro ng kultura, edukasyon, pamahalaan, lipunan, industriya,
                           at kalakalan ng bansa.
__________ 5. Rehiyon ng CALABARZON.
__________ 6. Rehiyong matatagpuan sa sentrong bahagi ng mga pulo ng Visayas.
__________ 7. Ito ay nakahimlay sa pagitan ng bulubundukin ng Sierra Madre sa
                            Silangan at kapatagan ng Gitnang Luzon.
__________ 8. Naitatag ito batay sa Batas Republika Bilang 6734 noong Nobyembre 6, 1990.
__________ 9. Ang pinakamataong rehiyon bukod sa National Capital Region.
__________ 10. Ito ang pinakamalawak at istratehikong lokasyon ng bansa.
__________ 11. Bicol Region
__________ 12. Binubuo ito ng mga lalawigan ng Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu,
                              Tawi-Tawi at basilan, at ng lungsod ng Marawi.
__________ 13. Cagayan Valley Region
__________ 14. Eastern Visayas Region
__________ 15. Matatagpuan ito sa Gitnang Cordillera sa Hilagang Luzon na napapalibutan ng Ilocos sa kanluran at Lambak ng Cagayan sa silangan at hilagang-silangan.
__________ 16. Ito ay inubuo ng mga lungsod ng Surigao, Butuan, Siargao at Bislig at mga probinsya ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur, at Surigao del Norte.
__________ 17. Central Luzon Region
__________ 18. Matatagpuan ito sa pinakasentro ng pulo ng Mindanao.
__________ 19. Binubuo ito ng mga lungsod ng Davao, Gen.Santos, Mati, at Tagum.
__________ 20. Ito ay binubuo ng mga lungsod ng Cagayan de Oro, Gingoog, Oroquieta, Valencia, Iligan, Ozamiz, Tangub, at Malaybalay.
__________ 21. Ito ay nakahimlay sa timog-silangang bahagi ng Luzon.
__________ 22. Ito ang tinaguriang “rehiyon ng goma”.
__________ 23. Ilocos Region
__________ 24. Western Visayas Region
__________ 25. Central Visayas Region.

Melanisms:famous quotes of Ms. Melanie Marquez

Wednesday, July 20, 2011

Melanisms:famous quotes of Ms. Melanie Marquez
   Of course, isa sa mga sinusubaybayan ko ring celebrity ay si Melanie Marquez, gay icon din naman kasi ang hitad. Sa aking mga pagbabasa ng kung anuanong write ups sa kanya , i want to share with you ang kanyang mga unforgettable quotable quotes. Ung iba dito, alam nyo na pero may mga bago sa pandinig at alam kong mapapangiti kayo. Iba pa rin talaga ang isang Mimilanie...let's take a trip down memory lane. Check out below quotes attributed to Miss International 1979 Melanie Marquez:

My brother is not a girl; he’s a gentleman.
That’s why I’m a success, it’s because I don’t middle in other people’s lives.
Don’t judge my brother; he’s not a book.
I won’t stoop down to my level.
Hello? Bulag ka ba? Bingi ka ba? Are you dep?
‘Yung STD, baka sa maruming toilet lang niya nakuha yan.
Eh, ikaw ba naman, durugin ang ari mo…Pag di ka naman manutok ng baril.
We are lovers, not fighters.
Kapatid ko pa rin siya. We are one and the same.
I don’t eat meat. I’m not a carnival.
Sumasakit ang migraine ko.
Ang tatay ko ang only living legend na buhay!
I keep my crown in the voltage.
Can you repeat that for the second time around once more from the top?
I couldn’t care a damn!
What’s your next class before this?
Hello, my brother Joey is out of town, would you like to wait?
Don’t touch me not!
You! you’re not a boy anymore! You’re a man anymore!
Bakit ang dami mong tanong? You’re so questionable.
You can fool me once, you can fool me twice, you can fool me thrice. But you can never fool me FOUR!
Hindi ba kayo naawa sa kapatid ko…sa mga kwento nya? Di ba kayo na-PERSUAVE ng mga kwento niya? Hindi si Joey ang tipong mambubugbog ng babae…talaga lang malapit siya sa mga gulo…PRO-ACCIDENT kasi siya eh.
Boy Abunda: O Melanie, paano na ang showbiz career mo ngayong magmo-Mormon ka na?Melanie: Ah okay lang ‘yon Boy, kasi matagal na rin akong SEMI-RETARDED.
They should talk behind the scene…
(answering the phone) Hello. Wait a moment. Please hang yourself.
(before Christmas) Well, I want to spend my holidays with my family most probably out of place.
Why I will give my calling card, I’m not a call girl. (Her reply to a certain duke when the latter is asking for her calling card.)
Eto na po ang pinakamaligayang pasko at manigong taon sa inyong lahat. (During her acceptance speech at a Metro Filmfest awards night where her bioflick, directed by her late father Temyong Marquez, won an award.)
Period na talaga; wala nang exclamation point. (When asked on S-Files if her present husband, Adam Lawyer, is her Mr. Right)
And the base of my observation is… (showbiz stripped May 14 GMA Ch. 7)
At a talk show after her break-up with Derek Dee, Melanie was asked if she had some words for Derek’s mother (whom she partly blamed for the separation). “Oo nga,” said Melanie,“pero i-English-in ko para maintindihan niya.” She looked into the camera and, with the peremptoriness of royalty, said, “And to you, Mrs. Dee, I have two words for you. Ang labo mo!“
(When asked for a message to her daughter who was allegedly abused by their houseboy) Don’t worry little angel, big angel is here.
(On what they should do to the houseboy who molested her daughter) He should be put behind bar.
(While waiting backstage during a noontime show after watching Nikki Valdez do her dance number) Nikki, you’re so galing. You should go to the States. You will sell hotcakes!
(While she’s in Morning Girls With Kris & Korina promoting her movie with Aleck Bovick) Please watch HIRAM starring Aleck Baldwin (referring to Aleck Bovick) and myself. It’s DIRECTOR by Romy Suzara.
(After giving birth, and an interview on The Buzz) My answers have been prayered!
(To ex-flame Senator Lito Lapid) Hello…Huwag kang tumahol sa sarili mong bakuran noh!(In response to being misunderstood) You know, huwag kang tumahol like dogs.
hinango ni Starnold sa http://noypistuff.blogspot.com/2011/07/melanie-marquez-quotes.html

Ang Pagbabalik ng Tunay at Nag-iisang Superstar, Ms. Nora Aunor!

Tuesday, July 19, 2011

Ang Pagbabalik ng Tunay at Nag-iisang Superstar, Ms. Nora Aunor!
Binabalita na naman sa TV na magbabalik na ang nag-iisang Superstar, Nora Aunor.  Totoo na kaya ito o baka false alarm na naman? Pero ewan ko nga ba kahit na paulit ulit na ibinabalita noon pa na babalik na siya at paulit ulit din naman na hindi naman pala totoo ay nanduon pa rin ang pananabik at pag-asam ko na talagang babalik na siya. Naunahan ko pa nga ang pagbabalik niya. Biro ko pa noon pag may nagtatanong sa akin kung kalian daw ako babalik sa SANHS? Sagot ko , pag nagbalik na ang nag-iisang superstar magbabalik na rin ang nag-iisang Superstarnold. nakabalik na ako pero wala pa rin si Ate Guy.
      Nora Aunor will always be remembered. The phenomenal superstar. The legend. Coupled with other titles coined after that. But she will always be that little brown gal from Iriga.The gods and goddesses must have been kind to her. For when they gifted mortals with talent, Nora Aunor must have made her presence felt.Her golden voice was the best thing that ever came into her life. For it endeared her to the hearts of millions of Filipinos. And through that voice came out her sensitivity in becoming the country's greatest and finest actress. And who would ever contest that.The movie industry's history will not be complete without the Nora Aunor. From my time, to your time, even to our descendant's time.
   Self-confessed naman talaga na Noranians ako noon pa. At kahit na hindi na maka-relate ang present breed of students ko kung sino ba si Nora Aunor ay taas noo ko pa ring pinagmamalaki na siya ang “nag-iisang Superstar”ng pinilakang tabing.  Pati nga si Karl ay minsang ginagawang katawa tawa at kinukwestyon ang isang Nora.Mga tanong niya ay sino bay an? Bat kailangan pang ibalita? Hahahaha…..
         Sana nga bumalik na siya para mabuhay na naman ang mga dugong Noranians na matagal nang nahihimbing. Sa pagbabalik niya, hangad ko na maalagaan ang kanyang career ng mahusay para hindi na niya maisipan pang mangibang bayan. Magkaroon siya ng maraming proyekto at makasama ang ilang kasalukuyang henerasyon ng mga artista ngayon. Mukhang pag-iipunan ko yung nakita kong DVD collection ng kanyang classic movies na nakita ko last weekends sa Market Market. Pero naalala ko sabi ni mareng Aiko meron daw store sa Quiapo kung saan nagbebenta ng mga classic movies niya at a lower price.
       Abangan natin sa araw ng Huwebes kung talaga na bang magbabalik ang nag-iisang Superstar. Calling all my Noranians Friends:Berni, Kua Riki, Aiko, Dingdong, Ricky V., Shampu, Jewel, etcetera…….

When I bid Goodbye to Aegis People Support

Tuesday, July 12, 2011

When I bid Goodbye to Aegis People Support
I'd like to share with you my goodbye letter to all my colleagues in Expedia...

As you have already heard, I have handed in my resignation after one year here at Aegis PeopleSupport. It is with mixed feelings that I write this letter as I have enjoyed working here. My last working day will be 26th May.This was not an easy decision to make, on my part.I have to be back in my teaching profession this coming June in time for the school opening. I would like to express my gratitude for the opportunity to serve this organization.My experience working for the company is wonderful. You have  welcomed me with open arms . I have been proud to work here  for a year  and the company team became for me a good working family. I have always considered it an honor and privilege to be a part of the family.The past  1 year  have been very rewarding. I've enjoyed working for you . I am forever grateful to you and the company .  I’d like to thank you for providing me with an opportunity to develop my skill set while gaining a new work experience.
I wish you and the company all the best. I do hope our paths cross again in the future. Once again, thank you for all the invaluable lessons you have taught me and making me a part of the company. I will be missing you and the whole team as well.
It has been a great pleasure working with you all and I wish you every success for the future.Congrats E-181!
Kind regards

I've Lost My CP sa MRT.....

Saturday, July 16, 2011

I've Lost My CP sa MRT.....
   Nabiktima na naman ako ng MRT. This time my cellfone, it happened ;last thursday while goin to my NRC stint. As usual siksikan sa mRt, pagsakay pa lang isang pakikihamon na kaagad. Ang akala ko isa lang ito sa mga normal na pangyayari, tatapat ka sa may pinto, hahayaan mong itulak ka na lang ng mga nasa likod mo papasok sa loob habang naiipit, nadadaganan,pawisan at nasasaktan (huh).Ganun nga ang naganap, hinayaan kong tabuyin ako ng agos ng tulakan...hanggang nakarating nga ako sa loob, nung nagsara na ang pinto, sa isip isip ko..nakaraos na rin ako at nakapasok na. ang poproblemahin ko na lang ay ang paglabas sa kabilang pinto. May isang "samaritano"ang nag-announce na i-check daw namin ang aming mga wallet dahil may nakita siyang isang mama ang may kinuhang wallet sa isa sa mga pasaherong nasa loob na , tinago niya ito sa gilid ng kanyang katawan at agad agaran ding lumabas na kunwari ay hindi nagkasya.. Medyo slight kinabahan ako dahil ang naaalala ko parang nilabas ko ang aking wallet bago ako sumakay at baka sa likod ng pantalon ko nailagay sa pagmamadali. Hinalughog ko ang loob ng aking bag sa pamamagitan ng pagkapa, buti na lang nandoon kaya napanatag ako. Inilabas ko pa nga ito para medyo ipakita dun sa nag-aanounce. Nang papalabas na ako, napansin ko ang aking earphone ay nakalaglag na lang, kinapa ko ang aking harapang bulsa..ayun wala na ang aking cp. un pala ang nadukot. sa laki nya at nasa black leather casing napgkamalang wallet. kaya pala, paglabas ko wala na akong marinig na sounds. nawawala kasi ang sounds pag nasa loob na ng MRT kaya hinahayaan ko lang. taz pag nasa labas na, dun na ulit nagkakaroon. nagtataka ako bat wla na akong marinig, yun na pala ang naganap. Tinawagan ko kagad si Karl para ïulat"ang pangyayari at mailabas ang sama ng loob. Okey, medyo ilang araw ko lang namang pinagluksa...ano pa magagawa ko, di ba? i dont want to dwell on the negative things na....
 Naalala ko tuloy si Ismael dati....dumating siya nuon at humahangos para ibalita nadukot ang wallet niya sa mrt ...Walang natirang pamasahe sa kanya kaya pinahiram na lang siya ni Aiko. Ang inisip ko na lang , ok na rin na yung cp ang nakuha kesa naman ung wallet na nanduon lahat ang mga importante kong ID's, pag nagkataon malaking abala ito.
   Kaya ingat tayo mga ka-blog...nagkalat pa rin talaga ang masasamang loob na willing gumawa ng mga bagay na hindi katanggap tanggap sa konsensya natin. May balik namang bad karma duon sa dumukot nuon. Gudbye touchscreen, hello T23

Minsan Nakakalimutan Ko.....

(from my Journal Files, originally written last April 15, 2004 at 12:37PM-1:10PM)
     Minsan nakakalimutan ko na hindi ka pala talaga sa akin at hindi talaga kita pag-aari. Minsan nakakalimutan ko na nanghihiram lamang ako, na para bang namamalimos ako kahit sandali para makasama ka, makausap ka. At sa aking bawat panghihiram dapat kong tanggapin na minsan ay hindi ako mapagbibigyan. At kung ako man ay mapagbigyan, hindi ko dapat kalimutan na walang katiyakan kung kailan muli ito mauulit. Kaya nga sinasamantala ko ang bawat araw at oras na nakakasama  kita at iniisip ko lamang na baka ito na ang huling araw na makakapiling kita.
     Minsan nakakalimutan ko na sa bawat katok at pagbukas ng aming pintuan ay ikaw ang papasok, na sa bawat pag-anyaya ko ay iyong pauunlakan, na sa iyong pagpapaunlak ay hindi ko batid kung ikaw ay saglit lang o magtatagal.
     Minsan nakakalimutan ko o pilit kong kinakalimutan na lang ang hirap at lungkot na mararanasan ko sa hinharap basta ang mahalaga ay masaya ang nararamdaman ko sa kasalukyan kahit ito ay pansamantala lamang. Minsan nakakalimutan ko na sa aking bawat kabiguan ay walang  kasiguraduhang kadamay kita kahit na natitiyak ko na lagi kang bahagi sa lahat ng aking tagumpay.
   Minsan nakakalimutan ko nang may iba pa palang  taong mahalaga sa buhay ko maliban sa iyo, ikaw na walang tiyak na sagot sa tanong ko na kung mahal mo ba ako.
   Minsan nakakalimutan ko na ang sarili ko dahil sa iyo.