try to leave your name at "post a comment"when you happen to browse this blog please...
_______________ 1. Isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa dito. Maaaring itong taniman ng mga palay, mais at gulay.
_________________ 2. isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa burol.
_______________ 3. isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig.
_______________ 4. higit na mas mababa ito kaysa bundok.
_______________ 5. isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
_______________ 6. patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa rito. Malamig at mahangin sa lugar na ito.
_______________ 7. isang pahaba at naka-usling anyong lupang na halos napalilibutan ng tubig.
_______________8. bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat
_______________9. matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
_______________ 10. mga lupain na napalilibutan ng tubig.
_______________ 11. ang pinakamalaking anyong tubig.
_______________ 12. malaking anyong tubig, ngunit mas maliit sa karagatan
_______________ 13. isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.
_______________ 14. isang anyong tubig na naliligiran ng lupa.
_______________ 15. malaking bahagi ng katubigang papasok sa kalupaan.
_______________ 16. tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
_______________ 17. makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan.
_______________ 18. matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
_______________ 18. matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
_______________ 19. ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.
_______________ 20. anyong tubig na dumadaloy.
_______________ 21. isang bahagi ng lupa kung saan ito ay mabuhangin at meron ding mabato. Kadalasang matatagpuan ito sa mga bansang may maiinit na klima tulad ng mga bansa sa Gitnang silangan. Walang permanenteng mga bahagi ng tubig, hindi dinadalaw ng ulan at hindi karaniwang tinataniman.
_______________ 22. Tinatawag ding kapuluan; isang uri ng anyong lupa na binubuo ng mga isla.
_______________ 23. isang lugar sa disyerto na nagtataglay ng matabang lupa at tubig na maaaring makabuhay ng mga halaman at hayop
_______________ 24. makitid na lupa na nagdurugtong sa dalawang malalaking masa ng lupa
_______________ 25. ang pinaka malaki at malawak na uri ng anyong lupa. Ito ay binubuo ng iba't ibang bansa na kadalasan ay naisusukat o naitatangi dahil sa kultura tradisyon nito.
No comments:
Post a Comment