Saturday, July 16, 2011
I've Lost My CP sa MRT.....
Nabiktima na naman ako ng MRT. This time my cellfone, it happened ;last thursday while goin to my NRC stint. As usual siksikan sa mRt, pagsakay pa lang isang pakikihamon na kaagad. Ang akala ko isa lang ito sa mga normal na pangyayari, tatapat ka sa may pinto, hahayaan mong itulak ka na lang ng mga nasa likod mo papasok sa loob habang naiipit, nadadaganan,pawisan at nasasaktan (huh).Ganun nga ang naganap, hinayaan kong tabuyin ako ng agos ng tulakan...hanggang nakarating nga ako sa loob, nung nagsara na ang pinto, sa isip isip ko..nakaraos na rin ako at nakapasok na. ang poproblemahin ko na lang ay ang paglabas sa kabilang pinto. May isang "samaritano"ang nag-announce na i-check daw namin ang aming mga wallet dahil may nakita siyang isang mama ang may kinuhang wallet sa isa sa mga pasaherong nasa loob na , tinago niya ito sa gilid ng kanyang katawan at agad agaran ding lumabas na kunwari ay hindi nagkasya.. Medyo slight kinabahan ako dahil ang naaalala ko parang nilabas ko ang aking wallet bago ako sumakay at baka sa likod ng pantalon ko nailagay sa pagmamadali. Hinalughog ko ang loob ng aking bag sa pamamagitan ng pagkapa, buti na lang nandoon kaya napanatag ako. Inilabas ko pa nga ito para medyo ipakita dun sa nag-aanounce. Nang papalabas na ako, napansin ko ang aking earphone ay nakalaglag na lang, kinapa ko ang aking harapang bulsa..ayun wala na ang aking cp. un pala ang nadukot. sa laki nya at nasa black leather casing napgkamalang wallet. kaya pala, paglabas ko wala na akong marinig na sounds. nawawala kasi ang sounds pag nasa loob na ng MRT kaya hinahayaan ko lang. taz pag nasa labas na, dun na ulit nagkakaroon. nagtataka ako bat wla na akong marinig, yun na pala ang naganap. Tinawagan ko kagad si Karl para ïulat"ang pangyayari at mailabas ang sama ng loob. Okey, medyo ilang araw ko lang namang pinagluksa...ano pa magagawa ko, di ba? i dont want to dwell on the negative things na....
Naalala ko tuloy si Ismael dati....dumating siya nuon at humahangos para ibalita nadukot ang wallet niya sa mrt ...Walang natirang pamasahe sa kanya kaya pinahiram na lang siya ni Aiko. Ang inisip ko na lang , ok na rin na yung cp ang nakuha kesa naman ung wallet na nanduon lahat ang mga importante kong ID's, pag nagkataon malaking abala ito.
Kaya ingat tayo mga ka-blog...nagkalat pa rin talaga ang masasamang loob na willing gumawa ng mga bagay na hindi katanggap tanggap sa konsensya natin. May balik namang bad karma duon sa dumukot nuon. Gudbye touchscreen, hello T23
No comments:
Post a Comment