Wednesday, September 7, 2011

Nang Dahil Saýo (.....muling naging makata)

matagal -tagal na ring  'di ako  nakakagawa
mga linya at saknong bubuo sa isang tula.
sa pangangalap ng matatamis at magagandang salita
isinantabi muna, panandaliang ipinahinga.


nang dahil saýo akoý muling nakagawa,
nakapagtagni-tagni ng mga makabuluhang kataga,
isinatitik mga ideyang sa puso nagmula,
nailapat sa taludtod hanggang naging akda.


naging mabulaklak muli itong aking isipan
bawat sambit ng kataga ay may kahulugan
mga kinalap na salitang ngayoý pinapahalagahan
sa mga linya ng tula naisusulat na naman


nakasulat muli ng tula dahil sa iyo,
naipahahayag ang nais sabihin ng puso ko
nailalabas mga katagang pinagkatagu-tago
nanumbalik ang makata sa aking pagkatao.


sinulat noong Abril 24, 2007
Martes
12:28 ng hapon

No comments:

Post a Comment