Saturday, September 3, 2011

Minsan Madalas (tula ng nakakaalala at nakalimot na....)

(para sa kanyang nakalimutan ko na at naaalala ko na lang paminsan-minsan....SIMON)

Minsan sumaglit ka sa aking isipan
      muling bumabalik mga nangyaring nakaraan.
   Madalas sa mga araw at gabing dumarating,
       hindi ko na hinahanap ang dati mong lambing.

Minsan naalala ko ang tamis ng iyong halik,
      ang init ng yakap mo na tila nananabik.
    Madalas nakasanayan ko nang mag-isa,
        hindi ko na namamalayang hindi ka nakakasama.


Minsan nangingiti na lang pag naaalala
     pinagsamahang hirap at saya nating dalawa.
   Madalas nakakalimutan na talaga kita,
       tanggap ko nang ikaý tuluyang wala na.

sinulat 12:04-12:15 ng umaga
Pebrero 3, 2007
Sabado

No comments:

Post a Comment