Tuesday, July 26, 2011

On Being an OUTSTANDING TEACHER: an anecdotal during the awards night

2003 PLAQUE  of Recognition.(DepEd-Division of Makati City) In recognition and appreciation of his OUTSTANDING PERFORMANCE as a teacher in San Antonio National High School, thereby contributing to the moulding of youth of Makati City into morally upright, educated, disciplined and self-reliant citizens endowed with a deep sense of well-being. Education Week/ Makati Colliseum December 17, 2003

    (from my journal files way back 2003, anecdotal about being an OUTSTANDING TEACHER awardee; a whole-day account of my feelings, emotions from start , during and after the said milestone of my teaching carreer…)

 Shorten period kaya irregular ang klase. Tinapos naming gawin yung costumes naming angel”. Then naglunch kami sa Sampaloc, nagtext yung mga naiwan na nagsisimula na raw ang practice. So medyo na-late kami. Super rehearsals kami until about past 2PM na. Then go na kami sa MAKATI COLISEUM. Si GARY REGASPI ang kasabay ko, lakad kami ng malayo. Nu’ng malapit na saka kami nag-decide na magtraysikel.
     Di muna kami pumasok, akala kasi naming hindi pa dumarating ýung van nila Sir (DR. REYNALDO ESTACIO), eh nandun yung costume ko pati ýung props ni ARLENE ADDUCUL.Yun pala nanduon na sila sa loob kaya pasok agad kami. Bago magsimula, go muna ako sa aking mga MHS FRIENDS, chikahan with WILLAY, LULU, CARLOTA, MAÁM DANAO etcetera.
     Then, start na ng program, presentation ng bawat schools through “CHRISTMAS IN OUR HEARTS”, speeches, pagdating ni VICE MAYOR MERCADO, MAYOR BINAY at JUNJUN BINAY. Then pinatawag na talaga ako sa ibaba, okey na lang daw kung ‘di ako magbihis wearing our blue uniform pero sabi ko, “ok lang may baon ako”. Right there and then,hinubad ko yung polo shirt at sinuot ko yung black turtle neck through the help of MYRA VALENZUELA at GUILLERMO. Medyo slight nanginig ako habang bumababa dahil “emphasize”na ang pagiging outstanding teacher ko. Umupo ako sa 2nd row which is the right place for the high school, tumabi ako kay MAÁM SUSAN SAN ANDRES dahil siya lang ang kakilala ko. Hinawakan ko siya kaagad to congratulate her. I received a text coming from BADETH (4:04PM), I know natatawa sila at natutuwa dahil ako pala yung Outstanding Teacher na nagbibiruan lang kami kaninan sa itaas.Ako yata among the 12 recipients ang alis ng alis sa kinauupuan ko. Balik ako ng balik sa taas. Biro ko nga, äyoko sa baba, parang out of place ako”.
     Performance time! Super hataw, attitude, high level of performance, bigay na bigay, ibuhos lahat, sigaw, exagg, God given talent!Whew!!!Bravo!
     Balik na ulit sa pwesto. I find time lumapit kina MAÁM ASUNCION at MAÁM LOPEZ (my teachers way back elementary days), thanking them, they were really proud of me! Ang sarao ng feelings, teary eyed ako.
    Then the highlights…natitigilan ako, slight kaba, overjoyed. Ako pa pala ang “the last but certainly not the least”. Pinapakiramdaman ko si Sir ESTACIO sa likuran ko. Then tinawag na nga ang pangalan ko. One of the big applause with matching tambourine from my SANHS family. Sabay kaming naglalakad ni SiR going to the stage, medyo may kahabaan ang nilalakad naming. Di ako makapagsalita, si SiR pa ang nag-break ng silence. I remember him telling me na “hindi ka na naming ginawan ng bulaklak ha”.
    Sa stage, salubong si SiR LAMBERT with his instruction na forward kagad ako sa center stage kung saan nandoon si MAÁM RUIZ. She was the one who gave the award telling me na paulit-ulit “Balita ko, magaling ka raw bata…congratulations ha!”’Di na ako nakapagsalita….Then harap ako kay DR.ESTACIO for the shake hands but what I did, instead of shaking his hands, niyakap ko siya ng buong higpit at humagulgol ako ng iyak sa balikat niya. I’ll heard him saying, “You deserved it!” Medyo may katagalan ang yakap na ýun at willing akong ma-prolong, narinig ko nga lang yung instructions na picture-taking na. That moment produced a big round applause. E=While having a pose, iyak pa rin ako ng iyak. Nu’ng papunta na ako sa likod to join the other awardees, kumaway pa ako sa audience/crowd ala Miss-U, eksena ulit. Whew!!
     Then balik sa pwesto , pagkabalik ko, sigawan ulit ang SANHS family na medyo hindi ko na-notice, Pag tayo ko, tinawag ako ni MAÄM MIRAS, lumapit talaga ako sa kanya at inabot ng yakap with matching iyak ulit. Then go na sa taas.
    Marami pa ring bumati!Nakakapanliit, nakakailang, parang gusto kong sabihin, “tama na po!” That night nanalo rin ang performance naming na third place sa over-all at 1st place sa high school division.

Thank you Lord!

(written last December 23, 2003/3:23PM)

No comments:

Post a Comment