Tuesday, August 16, 2011

Knowing Me Better (mga "kakatwang" bagay-bagay tungkol sa akin)


1.       Sa bahay, madalas hindi ako gumagamit ng tinidor sa pagkain. Naalala ko nung bata pa ako madalas akong  sabihan ni Nanay ng “Yung kaliwang kamay mo naka-prenda na naman…”
2.        Apat ang unan ko pag natutulog, pag nagkulang yun kahit isa, nahihirapan akong makatulog. Mas maraming unan mas masarap matulog. Pag may katabi ako, okey lang na tatlo lang ang unan ko, pang-apat yung katabi ko (lol)
3.       Pag nasa bahay ako, lagi lang akong naka-boxer at sando or lumang putting t-shirt. Kumportable ako sa ganun. Never mo rin akong mapapatulog ng nakapantalon, walking shorts, long sleeves…
4.       Hindi ako mahilig magkumot, kaya kahit na maginaw nakatitiis ako. Pag super ginaw na , saka na ako naghahagilap ng kumot at the middle of the night.
5.       Una kong ginagawa pagkauwi ko ay buksan ang TV bago ako magbihis…
6.       Hate ko ang pinakbet tilapia. Naalala ko na may isang okasyon na ang handa lang ay yang dalawang menu na yan, kahit gutom ako…never talaga akong kumain.
7.       When I was in college, nagging fan ako ni TIMMY CRUZ. Nagsusulatan kami through air mail at nagkukumstahan through a common friend from Viva films.
8.       Siyempre, public knowledge na Noranians ako hahahaha. Idol ko ang the one and only Superstar, Ms. Nora Aunor.
9.       Gustong-gusto ko ang Frosty sa Wendys, kaya kapag may nakikita akong Wendys talagang effort akong bumili kahit small frosty (P37 na ngaun)
10.   Hindi ako nag-uulit kaagad ng damit , every Friday sa school (wash day), Kapag naisuot ko na, it would take several months or next year na ulit bago ko maisuot. Namana ko yan kay Ms. Torres (college prof ko)

No comments:

Post a Comment